Yeso

yeso

Ako’y isang pinutol na yeso
Nakahiga sa maalikabok na paa ng pisara
Nakadungaw sa blankong silid
Naghihintay sa haplos ng mga daliri

Nangangati sa preskong hangin
Nagtatanong sa alingawngaw
Sa anong kamay ng oras ako mananatili
Dito sa bulok na gusali

(Photo from https://fineartamerica.com/featured/1-sidewalk-chalk-i-tom-mc-nemar.html)

 

Leave a comment